top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P-Digong, bibili ng sariling jet para hindi na nanghihiram

Ka Ambo
Oct 9, 2019
1 min read

Inabsuwelto na naman ng Sandiganbayan ang pamilya Marcos.

Dapat lang!

◘◘◘

DAHIL absuwelto ang mga Marcos, sila ang naging biktima.

At biktima rin ang kabataang napaniwala sa “maling istorya”!

◘◘◘

BIBILI ang Malacañang ng sariling “Air Force One”.

Para hindi na nanghihiram ng “jet” ang pangulo sa isang lider ng sekta!

◘◘◘

MAY bagyong kasinglakas ng “Yolanda” ang papasok sa Japan.

Uy, lumihis sa ‘Pinas.

Natakot matokhang!

◘◘◘

INAMIN ni P-Digong na naduduling siya kapag umaatake ang kanyang sakit.

Puwes, doble ang kanyang kita!

◘◘◘

GAGANAP si Sen. Manny Pacquiao bilang Heneral Miguel Malvar.

Inggit na naman si Floyd!

◘◘◘

MAGRERETIRO na ang dalawang Mahistrado ng Korte Suprema ngayong buwang ito.

Apektado ang desisyon sa vice-presidential election protest!

◘◘◘

SA ngayon, itinengga ang desisyon sa protesta ni dating Sen. ‘Bongbong’ Marcos laban kay VP Leni.

May “bisa” ba ang desisyon ng “lameduck justices?”

◘◘◘

SENTRO ng atake ng African Swine Fever (ASF) ang Bulacan.

Ginamit na sa pulitika ang epidemyang ito.

Kumbaga, aktuwal na “binaboy” ang pulitika sa Bulacan!

◘◘◘

IPINATATANGGAL ang toll fees sa Skyway.

Isa nang raket ‘yan!

◘◘◘

PAPATAYIN daw ng MPD director ang Ninja Cops na kasabwat ng drug queen sa Maynila kapag nakakuha ng ebidensiya.

May naghahanap ba ng ebidensiya?

◘◘◘

WALANG ulat kung epektibo ang Bangsamoro Government na ipinatutupad.

Walang ulat kung sumuko na ang lahat ng MILF fighters o lumipat lahat sa BIFF?

◘◘◘

BINABALAK ng Russia na magtayo ng nuclear plant sa Pilipinas.

Klap-klap-klap!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page