top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Maynila, no. 3 sa pinakamahirap na lungsod sa buong mundo

Pabs Hernandez III
Oct 9, 2019
1 min read

MAYNILA, NO. 3 SA BUONG MUNDO NA ANG MGA RESIDENTE AY NAGHIHIKAHOS ANG PAMUMUHAY — Sa inilabas na data ng Deutsche Bank, isang multinational investment bank and financial service na nakabase sa Germany, ikatlo ang Maynila sa mga lungsod sa buong mundo na ang mga residente ay mababa ang ka- lidad ng pamumuhay.

Dapat pa bang i-memorize ‘yan, napakaraming pobreng vendors ang inalisan ni Mayor Isko Moreno ng hanapbuhay sa Maynila kaya talagang maghihikahos ang pamumuhay ng mga maralitang taga-lungsod, period!

◘◘◘

MARAMING MATITIGIL SA PAG-AARAL DAHIL SA “PORK” NG TROPA NI SPEAKER CAYETANO —Sinabi ni Sen. Ralph Recto na sa tantiya niya ay libu-libong college students sa State Universities and Colleges (SUCs) ang hindi makakapag-aral next year dahil sa ginawang pagkaltas ng grupo ni Speaker Alan Peter Cayetano ng P11.65 bilyon sa badyet ng Commission on Higher Education (CHED).

Pambihira naman kasi ang tropa ni Speaker Cayetano sa Kongreso, imbes na dagdagan ang badyet pang-edukasyon, mas inunang dagdagan ang kanilang ‘pork barrel’, mga buwisit!

◘◘◘

ANG DAMING “PAIHI GANG” SA BATANGAS, PERO SI PD COL. QUILLATES, “NGANGA” LANG — May raket na “oil pilferage” o “Paihi Gang” sina “Violago” at “Dan Buriki” na may “paihi” sa kahabaan ng STAR tollway na ang sakop ay mula Sto. Tomas hanggang sa Batangas City; sina “Felix” at “Johnny”, may “paihi” sa San Jose at si “Minerva”, may “paihi” sa Tanauan City, Tuy at Padre Garcia, pawang sa Batangas.

Ganyan karami ang “nagpapaihi” sa Batangas, pero si PD Col. Edwin Quillates, “nganga” lang sa mga manraraket, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page