top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Libu-libong pasahero, apektado sa nabawasang tren ng LRT-2

  • Korina Sanchez
  • Oct 9, 2019
  • 1 min read

Sa 56 na mga lungsod sa buong mundo na may pinakamababang kalidad ng pamumuhay, pumangatlo rito ang Maynila. Ito ay pinangunahan ng Lagos, Nigeria, kasunod ang Beijing, China. Ito ay resulta sa inilabas na research ng Deutsche Bank, kamakailan.

Hindi ito kataka-taka dahil matagal nang pinupuna ang napakaruming siyudad mula sa mga kalsada hanggang sa mga estero. Hindi rin mabilang ang mga informal settlers, partikular sa tabi ng Ilog-Pasig.

Marami pang inilabas na basehan ang Deutsche Bank tulad ng matinding trapik, polusyon at iba pa. Pero, sabihin man nating hindi maganda ang posisyon ng Maynila sa nasabing research, maaaring kuwestiyunin ang resulta nito na baka hindi tumpak ang kanilang datos.

Ayon sa ulat, Mayo ngayong taon daw sinimulan ang nasabing research kaya kung totoo man, hindi pa si Mayor Isko Moreno ang nasa poder nang gawin ito.

Kaya naman, kung nais ng alkalde na mabago ang imahe ng lungsod, kailangan niya itong asikasuhin at iprayoridad.

◘◘◘

MAGBABALIK ang operasyon ng LRT-2 mula sa mga istasyon ng Cubao at Recto pagkatapos ng malaking sunog sa linya ng tren sa gitna ng Anonas at Katipunan noong Huwebes.

Apektado ang libu-libong pasahero dahil sa nabawasang linya ng LRT-2, pero tila aabutin daw ng siyam na buwan bago muling maibalik ang operasyon sa lahat ng istasyon ng tren.

Ayon sa ulat, nasunog ang power rectifier nito, pero hindi malinaw kung bakit nasunog — kung uminit nang husto o tinamaan ng kidlat o ano pang dahilan. Pero, dahil sa laki ng sunog kung saan apektado ang riles, malaking trabaho ang hinaharap ngayon ng LRT-2.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page