top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bukod sa multang P300,000.. Kulong sa bungangerang misis

V. Reyes
Oct 9, 2019
1 min read

Maaaring makulong ang mga misis na mapatutunayang nang-abuso sa kanilang asawa o partner.

Sa ilalim ng House Bill 4888 na tatawaging Anti-Violence Against Partners and their Children Act o Anti-VAPC Law, itinatakda na ang maging parusa ay alinsunod sa umiiral nang Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Batay sa RA 9262, ang sino mang lalabag ay maaaring makulong, depende sa bigat ng pag-abuso.

Kung nauwi sa tangka o bigong pagpatay o parricide ay maparurusahan sa ilalim ng umiiral na Revised Penal Code.

Maliban sa pagkakapiit, itinatakda rin ng RA 9262 na pagmultahin ng hindi bababa sa P100,000 ngunit, hindi hihigit ng P300,000.

Ipadaraan din ang napan sa mandatory psychological counseling o psychiatric treatment.

Sa nasabing panukala, kabilang sa sakop ng matatawag na pag-abuso ay pisikal o ang pananakit sa anumang bahagi ng katawan ng partner; sexual violence tulad ng rape, acts of lasciviousness o kahit ang pagpuwersa na manood ng malaswang palabas.

Sakop din ang psychological violence o ang pananakit sa emosyon o pag-iisip tulad ng paninindak, stalking, panghihiya sa publiko, verbal abuse at mental infidelity. Matatandaang, kasama rin sa maparurusahan ang partner na gumagawa ng economic abuse tulad ng pagkuha o pagkontrol ng suweldo ng asawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page