Binawing certificate of registration ng respiratory therapist, 2 yrs. bago makapag-apply uli
Dear Chief Acosta, Anim na buwan na ang nakalipas matapos ipag-utos ng Professional Regulatory Board of Respiratory Therapy ang revocation ng aking Certificate of Registration. Kailan kaya maaaring maipa-reissue ang aking Certificate of Registration? — Pat
Dear Pat, Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Section 24 ng Republic Act No. 10024 na mas kilala bilang "Philippine Respiratory Therapy Act of 2009" kung saan nakasaad ang sumusunod:
Section 24. Reinstatement, Reissuance or Replacement of Certificate of Registration and Professional Identification Card and Temporary/Special Permit. – Two (2) years after the date of revocation, the Board may, upon application and for reasons deemed proper and sufficient, reinstate any revoked certificate of registration and reissue a professional identification card, and in so doing, may, in its discretion, exempt the applicant from taking another examination. xxx” (Binigyang-diin)
Ibig sabihin, matapos ang dalawang taon mula nang revocation ng inyong Certification of Registration ay maaari kayong magsumite ng aplikasyon sa Professional Regulatory Board of Respiratory Therapy upang maipa-reinstate ang inyong sertipikasyon. Maaaring magdesisyon ang Professional Regulatory Board of Respiratory Therapy na may angkop na dahilan para sa reinstatement ng Certificate of Registration, mag-reissue ng professional identification card at magdesisyon na i-exempt ang aplikante na kumuha ng panibagong pagsusulit. Sa inyong sitwasyon, hindi pa kayo maaaring maghain ng aplikasyon upang ma-reinstate ang inyong Certificate of Registration dahil hindi pa natatapos ang dalawang taon mula nang revocation nito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments