5 timbog sa shabu

Limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Caloocan City.
Sa nakarating na report kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, alas-10:45 kamakalawa ng gabi nang masakote ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo at PCP-2 sa Diwa St., Bgy. 59 si Gerardo Eugenio, 52, scavenger, at nakuhanan ng sachet ng shabu.
Nauna rito, alas-5:10 ng hapon nang maaktuhan ng mga miyembro ng PCP-7 na nagtatransaksiyon ng ilegal na droga sa ALATODA Tricycle Terminal sa Tullahan Road, Apple Ville, Bgy. 162, Sta. Quiteria, Caloocan City sina Jelbert Colitoy, 24, at Benjur Manlangit, 34, driver, kapwa ng Valenzuela City.
Dinakma ang mga suspek at narekober sa mga ito ang dalawang sachets ng hinihinalang shabu.
Sa Bgy. 171, Bagumbong, natimbog ng mga tauhan ng PCP-6 sa pamumuno ni P/Maj. Harold Aaron Melgar sina Eugene EJ Brass, 19, at Reylan Baltazar, 18, matapos inguso ng concerned citizen na nagsa-shabu sa Sitio Manggahan, alas-10:00 ng gabi.
Nakumpiska sa dalawa ang selyadong sachet ng shabu, isang nakabukas na sachet na may bahid ng droga at ilang drug paraphernalias.





Comments