top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Sugal Ni: Hiraya

Oct 8, 2019
1 min read

Hindi ko na alam

kung gaano katagal ko binuo ang sarili kong wasak

na akala ko’y hindi na muling mabubuo.

Dumating ka sa hindi inaasaahang panahon.

Mga panahong ayaw kong sumubok, sumugal,

tumalon nang walang kasiguraduhan.

Bakit? Takot na kasi akong masaktan.

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan, unti-unting napalapit sa’yo

sa hindi malamang dahilan.

Ang alam ko lang, ayaw ko nang masaktan.

Sumugal ako kahit puwede akong matalo.

Masakit, pero okay lang, basta para sa’yo.

Kaytagal kong binuo ang sarili ko pero, sinira mo ako sa Araw ng mga Puso.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page