top of page
Pokwang.jpg

Nakilala raw nu 'ng taga-payong pa lang siya sa golf course… Hipon girl, umaming inalok ng kasal

Erlinda Rapadas
Oct 8, 2019
1 min read

Kaaliw itong si Herlene Budol a.k.a Hipon Girl na co-host ni Willie Revillame sa programang Wowowin. Wala siyang kaprenu-preno at sobrang nag­papaka­totoo kahit nasa harap ng ka­mera at napapanood ng libu-libong viewers.

Minsan, naikuwento niya sa Wowo­win na noong siya ay nagtatrabaho sa golf course bilang taga-payong ng mga golfers, isang mayamang DOM (dirty old man) ang nag-alok sa kanya ng house and lot, sasakyan, atbp. bagay basta pumayag lang siyang magpakasal.

Pero, hindi nga nagpasilaw si Hipon Girl sa milyo­naryong DOM na at that time ay 83 years old na raw. Katwiran ni Herlene, puwede naman niyang makuha ang salapi at iba pang bagay sa pagsisikap sa buhay.

Ayaw niya ng yamang hindi pinaghirapan at ngayon na nabigyan siya ng chance ni Willie Revillame na maging co-host ng Wowowin, kahit papaano ay nabibigyan na niya ng maayos na buhay ang kanyang pamilya. Hindi na sila makakaranas magutom at mapalayas ng tirahan.

Maraming followers si Hipon Girl sa social media. Kuwelang-kuwela siya sa mga millennial. Kumakanta na rin siya sa Wowowin dahil iginawa siya ng kanta ni Lito Camo, ang Talikodgenic.

Hindi kakikitaan ng pagi­ging insecure si Hipon Girl sa mga datihang hosts ng Wowo­win na sina Sugar Mercado at Donita Nose at paulit-ulit ang pasasalamat niya sa big break na ibinigay sa kanya ni Willie Revillame na nagpasikat sa kanya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page