top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Indonesian, tiklo sa P54 milyong shabu sa NAIA

  • June Simon
  • Oct 8, 2019
  • 1 min read

Napahagulgol ang isang babaeng Indonesian makaraang arestuhin ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, dahil sa dala nitong walong kilo ng shabu mula sa Siem Reap, Cambodia, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Agnes Alexandra, tubong Jakarta, Indonesia na pasahero ng Cebu Pacific Flight 5J258 na lumapag ala-1:00 ng madaling-araw, kahapon.

Ayon sa PDEA, ang walong kilo ng shabu ay nakasilid sa itim na trolley bag ng suspek na may street value na P54 million.

Ito ay isinailalim sa x-ray scanning na sa kalaunan ay napansin ng operator na si Fe Pascua ang imahe ng droga.

Mariing itinanggi ng suspek na galing sa kanya ang shabu at depensa nito na ipinakisuyo lang umano sa kanya ang naturang bagahe at hindi niya alam ang laman nito.

Sa ngayon, sumailalim na sa imbestigasyon ang suspek at inaalam pa kung sino ang mga kasabwat na sindikato sa pagpupuslit ng ilegal na droga sa bansa.

Nitong Setyembre 28, nakasabat ang Customs ng shipment ng shabu mula sa Siem Reap, kaya inilagay sa red alert ang lahat ng flight na nagmumula sa tinatawag na Golden Triangle Syndicate (Laos, Cambodia at Thailand).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page