Head nurse tinodas ng riding-in-tandem

Dedbol ang isang head nurse makaraang tambangan sa Bgy. Mayapa, Calamba City, Laguna.
Alas-6:30 ng gabi, sakay ng kanyang Toyota Fortuner ang biktimang si Molina Saludo, 44, may asawa, chief nurse ng Calamba Doctor’s Hospital, kasama ang kanyang anak na lalaki.
Inihatid muna niya ang anak sa barbero bago magtungo sa kanyang pinapasukang ospital nang biglang kausapin ng mga hindi nakilalang suspek.
Agad siyang binaril nang malapitan bago nagsitakas sakay ng motorsiklo. Naisugod pa ito sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival. Patuloy ang pagtugis sa mga suspek at pag-imbestiga sa motibo ng krimen.





Comments