top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

3 malalaking karera nakatakdang idaos

Ding Taboy
Oct 8, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

Hahataw sa Okt. 13 ang 2019 PHILRACOM 4 Year Old and Above Local Stakes Race sa Metro Manila Turf Club Inc. sa Malvar, Batangas.

Ang mga kalahok ay pangungunahan ng Hiway One, Metamorphosis, Pangalusian Island, Scarborough Shoal, Summer Romance at Victorious Colt na tatawid sa distansiyang 1,800 meters.

May nakalaang P500,000 na papremyo, tatanggap ng P300,000 ang magkakampeon, habang may P112,500 ang 2nd place at tatanggap ng P62,500 ang 3rd place at P25,000 sa 4th place.

Pinapaboran ang mga kalahok na Pangalusian Island, Scarborough Shoal, Summer Romance at Victorious Colt. Sa Okt. 20 ang 2019 Philracom 3 Year Old Imported/Local Challenge Race sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Tatawid ang mga kalahok sa 1,600 meters at may papremyong P1.5-M na hahatiin sa apat na unang makatatawid sa finish line.

Naghihintay ang P900,000 sa unang premyo habang may P337,500 ang 2nd place, habang ang 3nd placer ay may P187,500 at P75,000 sa 4th place. May P60,000 ang horse breeder ng mananalong kabayo. Isa pa ang aabangan ng bayang karerista ang nalalapit na 24th MARHO Breeders Championships sa Nob. 16 hanggang 17 sa Santa Ana Saddle and Clubs Leisure Park, Naic, Cavite.

Apat na major stakes races ang bibitiwan gaya ng Classic na paglalabanan ng 4-year old and up, 3 year old colt na fillies mile, 2 year old Juvenile colt and fillies at sprint.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page