top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sexy star, out dahil may anak na… Kalat na: Serye ni Maja, si Ellen dapat ang bida

  • Julie Bonifacio
  • Oct 7, 2019
  • 2 min read

Nagbida si Maja Salvador sa first digital original series ng ABS-CBN’s global content platform na The Filipino Channel (TFC) and Philippine streaming service na iWant, ang Hinahanap-hanap Kita.

Iikot ang istorya ng bagong digital series sa karakter ni Helen played by Maja.

Kuwento ni Maja, “Si Helen ay isang valedictorian, maraming pangarap. Pero du­mating ang panahon nu’ng na-in love siya kay Troy, ang pinili niya ay magkaroon ng isang masaya at mapagmahal na kapamilya.”

Isinantabi ni Helen ang kanyang mga pangarap para sa kanyang pamilya, hang­gang kinaila­ngang pumunta sa ibang bansa si Troy para sa kan­yang pa­milya.

Ang Hinahanap-ha­nap Kita ay eight-episode series na tumatalakay sa highs and lows ng buhay ng mga overseas Filipino workers (OFW) at kung paano na ang magi­ging kapamilya na rin nila ay ang mga kaibigang nakilala nila sa foreign land as they pursue life.

Kasama rin ni Maja sa digital series na ito ang leading man niya sa Kapamilya primetime series na The Killer Bride na si Geoff Eigenmann.

“Ito po ang audition na­min,” pabirong sabi ni Maja. “Kaya po kami napansin pati ng mga writers na­min, oo. Etong nauna po. March namin ito gina­wa,” pahayag ni Maja nu’ng maka­usap namin sa presscon ng Hinahanap-hanap Kita.

Habang nasa Dubai raw sila ay kinu­kulit na niya ang BUH (business unit head) nila sa Hinahanap-hanap Kita na si Roda (dela Cerna).

“Nag-a-apply ako sa kanya sa The Kil­ler Bride. Tapos ang sinasabi nga po nila, ‘Meron ka nang ibang serye,’ oo. Tapos, sinasabi ko sa kanila, ‘Mukhang okey po talaga d’yan.”

After one month, parang March daw sila nag-shoot, pero bandang May siya nag-audition.

“Pasok po ako sa Killer Bride. Si Geoff, nag-uusap na kami noon. Sabi ko, ‘Huy, Kuya (tawag niya kay Geoff).’ Nakakatuwa kasi kahit bawal itsismis, natsismis ko na agad kay Geoff na may show na siya pag-uwi ng Manila,” kuwento ni Maja.

Pagpapatuloy niya, “Sabi ko, ‘Hoy, may serye ka na raw pag-uwi ng Manila.’ Sabi kong ganyan, ‘Nag-o-audition nga ako ru’n, eh.’ Pero, hindi niya alam, hindi nila alam na nakapasa nga ako. ‘Yun.”

Sinorpresa raw niya si Geoff kaya tuwang-tuwa ang leading man niya sa The Killer Bride.

Pagkatapos ay humirit si Maja sa BUH nila kung puwede niyang sabihin kung sino ang first choice bilang bida sa The Killer Bride.

“Hindi na? Huwaag daw po, eh,” tanggi niya.

Pero ‘di rin siya nakatiis at nagbigay ng clue, “Pero, si ano po ‘yan, kaso nga lang po kasi, may anak na siya. Gusto niyang mag-focus sa anak niya. Malayo, ganyan.”

“Si Ellen Adarna ba ‘to?” tanong namin kay Maja.

“Hindi. Hahaha!” tawang-tawa lang niyang sagot.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page