Phl nilunod ang Zimbabwe sa water polo tune-up
- MC
- Oct 7, 2019
- 1 min read

Nileksiyunan ng Philippine water polo team ang Zimbabwe nang lunurin ang African team sa bisa ng 16-2 victory sa tune-up match bilang paghahanda nila sa 2019 FIBA Water Polo Challenger’s Cup kahapon sa OCBC Aquatic Center sa Singapore.
Sa paglalaro ng dati nang roster at makaranasang koponan ng Pilipinas, nagamit ng mga Pinoy ang solidong depensa sa unang aksiyon pagkadating noong Sabado ng umaga.
Ayon kay team mentor Rey Galang bagamat kumbinsido ang kanilang panalo hindi pa rin sila nakatitiyak na pareho uli ang momentum nila laban sa Zimbabwe sa Miyerkules na kapareho nila ng bracket sa Group A ng 10-nation tournament.
”Of course it’s a friendly game, but the good thing about that is we can see that our players are ready, they are focused and prepared,” ayon kay Galang, na dati nang nasa national team bilang coach noong 1995.
Bukod sa Zimbabwe, bubuksan din ng ‘Pinas ang kaMpanya kontra Ireland sa Martes, Malaysia sa Huwebes at Singapore sa Biyernes. Kasama sa Group B ay ang Indonesia, ChinesE Taipei, Austria, India at Hong Kong. Ang top teams sa bawat grupo ay mag-aagawan para sa titulo sa Linggo.
Ayon kay dating national team member Dale Evangelista, ngayon ay isa nang coach na ang international tournament na ito ay mahalaga sa pag-iibayo ng laro ng atleta lalo na at naghahanda ang team para sa 30th Southeast Asian Games sa Nob. 30-Dis. 11 na idaraos sa bansa.





Comments