PCS, pagtitibayin ang samahan sa Asean Sports
- MC
- Oct 7, 2019
- 1 min read

Bukas-palad na tinanggap ng Philippine Sports Commission (PSC) ngayon ang delegado ng 5th ASEAN Ministerial Meeting on Sports (AMMS-5) sa isang Sports and Senior Officials Meeting on Sports (SOMS-9) mula Okt. 6-10 sa Sofitel Hotel sa Pasay City.
Pakay ng pulong na palakasin ang samahan ng mga miyembrong bansa at ipakita ang seryosong pagpapa-ibayo ng sports sa ASEAN region.
Umaasa si PSC Chairman William Ramirez na mapalawig pa ang pagbibigay prayoridad sa agenda ng bansa sa mga miyembro ng ASEAN sa pagdating nina His Excellency Sar Sokha, Cambodia; Mr. Phouvanh Vongsouthi, Lao PDR; Mr. Tan Wei Ming, Singapore; Ahmad Shapawi Bin Ismail, Malaysia; His Excellency Aminuddin Ihsan Pehn Dato HJ Abidin, Brunei-Darussalam; Mr. Mya Than Htike, Myanmar; Mr. Kumekawa Hirokazu, Japan; Ms. Le Thi Hoang Yen, Vietnam; His Excellency Phiphat Ratchakitprakarn ng Thailand, heads of delegations.
Tatalakayin nila ang implementasyon ng regional projects at activities base sa ASEAN Work Plan on Sports ng 2016-2020, ang ASEAN bid para sa FIFA World Cup, ang pagtatatag ng eSports SEA Foundation at pag-uusap sa desisyon ng nakaraang AMMS at SOMS meetings at iba pa.
Ang resulta ng unang pag-aaral para sa ASEAN meetings kasama ang Japan ang bibigyang atensiyon.
Ang mga bagay na ito, kasama ang iba pang may kinalaman sa sports ay nakatakda sa five-day meeting.





Comments