top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Para hindi maperhuwisyo sa trapik.. Christmas vacation i advance na

Lourdes Abenales
Oct 7, 2019
1 min read

Hindi na umano bago ang kaliwa’t kanang trapik sa bansa ngayong ‘ber months’.

Dahil dito, pinayuhan ni Senador Francis Tolentino ang publiko na agahan ang kani-kanilang Christmas vacation nang sa gayu’n ay hindi sila maperhuwisyo ng trapik.

“Agahan din ‘yung Christmas vacation kasi malaking epekto rin ‘yan,” ani Tolentino.

Samantala, sa mga paluwas ng Maynila, makatutulong aniya sa mga bakasyunista ang SLEX authority at karagdagang lanes bagaman, tumutukod na ang matinding trapik sa expressway dahil sa ginagawang karagdagang kalsada.

Gayunman, dapat umano’y pangmatagalan pa rin ang solusyon ng gobyerno rito lalo na at taun-taon na lang hindi lumuluwag ang trapik tuwing ber months.

Samantala, dapat na rin umanong ipaubaya sa local government units (LGUs) ang pagresolba sa trapik sa kani-kanilang lugar.

Naniniwala ang mambabatas na kung hahayaan ang mga LGUs na kumilos ay mapabibilis ang pagresolba ng trapik sa kanilang lugar.

1 Comment


xodoxe7791
Jul 05, 2024

Para hindi maperhuwisyo sa trapik ngayong Pasko, mag-advance na ng Christmas vacation! Mag-book na ng vacation rental para sa mas komportableng stay at maiwasan ang holiday rush. Enjoy the festive season with less stress and more quality time with loved ones.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page