top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pagiging bading at tibo, problema raw sa pag-iisip, gulo 'yan!

Ka Ambo
Oct 7, 2019
1 min read

Mental disorder daw ang “third sex”.

Malaking gulo ‘yan!

◘◘◘

INIHAHANDA na ang Clark para sa Sea Games.

Mabubuhay na naman ang red light district!

◘◘◘

ISASALANG sa impeachment si U.S. Pre­sident Donald Trump.

Kailangan ng U.S. Congress ang dambu­halang “pork barrel”!

◘◘◘

IPINABABALIK ang Dengvaxia.

Pakiturukan muna ang mga apo ng nag-eendorso!

◘◘◘

SISIMULAN na raw ang konstruksiyon ng Bulacan Airport.

Para raw maging dambuhalang dam ang MacArthur Highway bilang suporta sa Angat Dam!

◘◘◘

HINDI pa rin sumu­sunod ang mga LGUs sa Metro Manila sa pagli­li­nis ng bangketa at mga kalsada.

Inutil kasi ang batas sa ‘Pinas!

◘◘◘

SOBRANG trapik sa Skyway at SLEX.

Resulta ito ng tala­mak na korupsiyon at kamangmangan!

◘◘◘

WALA pang solus­yon sa pananakop ng China sa Spratly Islands.

Ganyan talaga ang kauuwian ng mga duwag!

◘◘◘

KAILANGANG bumuo si P-Digong ng “suicide battalion”.

D’yan pa lang aa­tras ang mga Tsekwa!

◘◘◘

WALA pang sundalo na nagiging martir sa West Philippine Sea.

‘Yan ay sintomas na walang kakayahan ang PMA na makahubog ng kabataang handang ma­ging tunay na bayani!

◘◘◘

ANG tunay na suka­tan ng pagiging maka­bayan ay pagbubuwis ng buhay sa depensa sa teritoryo at soberanya.

Hindi ‘yan itinu­turo sa PMA!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page