top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga staff ng reformation center inatake.. 11 youth offenders, pumuga

  • Jeff Tumbado
  • Oct 7, 2019
  • 1 min read

Tinutugis ng mga awtoridad ang nasa 11 menor-de-edad na pawang itinuturing na mga youth offender matapos ang ginawang pagpuga mula sa isang reformation center sa Bgy. Kalunasan, Cebu City.

Puspusan ang ikinasang manhunt operation ng Cebu City Police Office (CCPO) upang mahanap at maibalik agad sa reformation center ang mga nagsitakas na kabataan nitong Sabado ng gabi.

Base sa nakarating na report sa CCPO, nagawang makatakas ng mga kabataan nang sabay-sabay na atakihin ang ilang staff ng naturang center habang sila ay inihahainan ng pagkain.

Sinasabing ilang mga kababaihan umano ang nagbabantay sa 200 kabataan na nasa loob ng reformation center at hinala ng pulisya na matagal nang binalak ang pagtakas ng mga sangkot.

Nabatid din na kulang umano ang personnel ng center para mabantayan ang mga kabataan.

Napag-alaman na may mga kasong theft, robbery at maging ang pagkakasangkot sa ilegal na droga ang mga nagsitakas na kabataan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page