top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lakas ng Boltahe ni Amer, kinuryente ang Fuels

ATD
Oct 7, 2019
2 min read

Dinomina ng Meralco Bolts ang Phoenix Fuel Masters, 111-94 sa PBA Governor’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Kumayod si local Baser Amer ng 26 upang tulungan ang Bolts na sikwatin ang two-game winning streak at ilista ang 3-1 card. Pinamunuan naman ni reinforcement Allen Durham ang opensa para sa Meralco matapos kumana ng 27 markers at 12 rebounds. Humarurot agad ang Bolts sa first canto, hinawakan nila ang 12-point lead 28-16 matapos silang akbayan sa opensa nina Amer at Durham.

Hindi nagbago ang laro ng Meralco sa second quarter kaya nanatili sa kanilang ang bentahe, 52-37 sa halftime, may 17 puntos na agad si Amer sa unang dalawang periods.

Lalong ginanahan sa third period ang Bolts kaya lumubo ang kanilang lamang sa 19, 80-61 papasok ng fourth.

Samantala, kahit nasa tuktok ng team standings ang TNT KaTropa ay hindi pa rin kuntento si Jayson Castro dahil para sa kanya ay may kulang pa sa kanilang team. Ito ay ang “depensa.” “Dalawang laro na kaming sobrang hindi kagandahan ang depensa namin. Ang taas ng ibinibigay naming score so kailangan naming mag-adjust pa sa defense namin,” saad ni TNT captain Castro. “Kasi sa offense, wala namang problema, kaya naman naming umi-score, iyun nga on defense siguro may mga konting adjustments pa.”

Sa huling panalo ng KaTropa mataas ang naging puntos ng kanilang kalaban, tinalo nila ang Columbian Dyip, 125-120.

“Kailangan talaga i-improve ang depensa,” hayag naman ni mentor Bong Ravena. “Hopefully, pretty soon masanay na kami sa defense. Hindi pwedeng out-scoring lang eh. You have to make stops. We can score anytime but can we stop every possession?” Tangan ng KaTropa ang 4-0 karta, makakalaban nila sa Miyerkules ang NorthPort Batang Pier sa alas-4:30 ng hapon, kasunod ang banatan sa pagitan ng Rain or Shine Elasto Painters at Phoenix sa alas-7 ng gabi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page