top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya raw nanghihina.. P-Digong, ibinulgar ang bagong sakit

  • M. Alfonso
  • Oct 7, 2019
  • 1 min read

Photo: Presidential Communications

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon siyang sakit na myasthenia gravis, isang sakit na nagdudulot ng paghina ng kanyang kalamnan.

Inamin ng pangulo ang kanyang kondisyon sa harap ng Filipino community sa Moscow, Russia, araw ng Sabado (Linggo sa ‘Pinas).

Sa kanyang speech, sinabi ni Pangulong Duterte na dahil sa nasabing sakit, minsan ay hindi na tugma ang galaw ng kanyang mga mata.

“May talent ako. Magtingin ako sa‘yo, ‘yung isang mata ko bumaba. Tingnan mo maliit ‘yung isa. ‘Hindi ba maliit? Nagsasariling biyahe ‘yan,” pahayag ng Pangulo.

“Actually, that’s myasthenia gravis. It’s a nerve malfunction. I got it from my grandfather. Ganu’n rin siya. So, I believe, really, in genetics,” sabi pa ni Pangulong Duterte.

Ito ay makaraang sabihing nais niyang kumanta ng duet kasama ang isang Russian singer bago siya mapatay dahil sa kanyang kampanya kontra ilegal na droga.

Ang myasthenia gravis ay isang kondisyon kung saan ay manghihina ang voluntary muscles ng isang tao.

Kabilang sa mga sintomas nito ay panghihina ng braso o leg muscles, double vision, drooping eyelids, hirap sa pananalita, pagnguya, paglunok at paghinga.

Nabatid na hindi ito ang unang beses na nagsabi ang Pangulo tungkol sa kanyang mga iniindang karamdaman.

Una na niyang sinabi na noon na mayroon siyang Buerger’s disease at Barrett’s esophagus.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page