Hapi na may sariling serye na ngayon… Arra, aminadong na-bully noon ng mga mas sikat na kapuso stars

Happy kami na nabigyan na ng project ang Kapuso star na si Arra San Agustin. Noong bagu-bago pa lang siya ay nakaranas na siyang ma-bully at api-apihin ng mga mas nauna sa kanyang sumikat.
Pero sa halip na sumuko ay nagsumikap siya na pagbutihin ang kanyang pag-arte. Nakisama rin siya sa lahat ng nakakatrabaho sa production at nananatili siyang humble kahit na nagkaroon ng mga shows.
At ngayon, ang pinakamalaking project niya ay ang Madrasta kung saan siya ang bida at suportado ng magagaling na artista tulad nina Gladys Reyes, Manilyn Reynes, Almira Muhlach at Thea Tolentino.
Si Juancho Triviño ang kanyang leading man sa serye na mula sa direksiyon ni Monti Parungao.





Comments