top of page

Dating OFW na baon sa utang, makakabalik na sa Saudi, yayaman pa

  • Maestro Honorio Ong
  • Oct 7, 2019
  • 2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

  1. Dati akong OFW at tatlong taon akong pabalik-balik sa Saudi. Kaya lang, nang tumigil ako noong 2015 ay hindi na ulit ako nakabalik abroad kaya mabilis naubos ang ipon namin at ngayon ay walang-wala na kami at baon pa sa utang.

  2. Nag-a-apply ulit ako sa dating agency at dating kumpanya ko at ang sabi sa akin ng dating manager ko ay puwede akong bumalik at simulan ko nang mag-ayos ng mga papeles.

  3. May ikalawa pa kayang pag-a-abroad na itatala sa aking kapalaran kahit medyo may edad na ako?

Kasagutan

  1. Ika nga,“habang may buhay, may pag-asa.” Kaya sa edad mong 39 at sabi mo ay puwede kang bumalik sa dati mong kumpanya sa Saudi, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa dahil nakalaan sa iyo ang ikalawa at mas produktibong pag-a-abroad.

  2. Sa katotohanan, may malawak at malinaw na ikalawang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na nagsasabing, darating din ang takdang panahon na muli kang makapag-a-abroad at muli kang makapagtatrabaho sa dati mong kumpanya.

  3. Ang mahalaga ngayon ay huwag kang manghinawa sa pag-a-apply dahil sa bandang huli ay matutupad din ang ikalawang pag-a-abroad sa iyong karanasan at ang ikinaganda pa nito, ang pag-a-abroad na itatala ay higit na magiging produktibo kaysa sa una.

  4. Ang pag-aanalisang muling gaganda ang iyong kapalaran ay pinatunayan ng iyong lagda na nagkabilog at pumangit sa gitnang bahagi at ito ang mga panahong wala kang trabaho, ngunit, gumanda at naayos din mula sa gitna hanggang sa dulong bahagi ng iyong pirma. Ibig sabihin, pagtuntong mo sa edad mong 40 pataas, ‘ika nga, life begins at 40, magbabago ang iyong buhay, kusang darating ang ikalawang pagkakataon na muli mong mapagaganda ang iyong career hanggang sa tuluy-tuloy kang umunlad at yumaman (H-H arrow c.).

Dapat Gawin

Ayon sa iyong mga datos, Greg, tiyak ang magaganap sa first quarter ng 2020, sa buwan ng Enero hanggang Abril, matutupad na ang matagal mo nang pinapangarap dahil muli kang makapag-a-abroad at sa ikalawang pagkakataong ito, tuluy-tuloy na muling lalago ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyan na ulit kayong yumaman (Drawing A. at B. H-H arrow c.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page