Dagdag-sahod sa mga guro — P-Duterte.. Malapit na!

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na maibibigay ngayong taon ang pinakaaasam ng mga public school teachers na pagtaas ng kanilang sahod.
Ayon kay Pangulong Duterte, inaayos na ng gobyerno ang dagdag-sahod ng mga naturang guro.
“There it’s coming ang increases nila. But hindi double. But mas marami ang teachers, my God. Pero nandiyan po, dadating ‘yan this year,” wika ng Pangulo sa press conference sa Davao City.
“I think it’s about — the last time they were discussing was about 35% but it could be more. I do not know,” ani Pangulong Duterte.
Gayunman, hindi nagbigay ng eksaktong petsa ang pangulo kung kailan mangyayari ang pagtaas ng sahod ng mga guro.
“And you cannot just… If I give you the timeline tapos I could not make it on the deadline, I have to explain more than what is expected of government,” diin pa ng Pangulo.
“Mas mabuti na lang ‘yan kung nandiyan na, sinasabi ko nandiyan na ‘yan,” dagdag pa nito.
“Basta sinabi ko may increase din sila. That I am very sure of,” pagtitiyak pa ng Punong Ehekutibo.
Sa kasalukuyan, ang entry-level public-school teacher na may Salary Grade 11 na nasa ilalim ng Tranche 4 ng Salary Standardization Law ay sumasahod ng P20,754 kada buwan. Matatandaang, dinoble ng pangulo ang sahod ng mga pulis, sundalo at iba pang uniformed personnel nitong nakalipas na taon bagay na naging hinaing ng mga pampublikong guro.





Comments