top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Alak, yosi, karne at mga pabango, bawal sa may psoriasis

Twincle Esquierdo
Oct 7, 2019
2 min read

Meron ba kayong problema sa balat tulad ng psoriasis? Ayon sa mga eksperto, ito ay immune-meditated disease kung saan inaatake ng immune system ang katawan at ito ang sanhi ng mabilis na pag-build-up ng cells na nagreresulta sa scaling o pagda-dry ng balat.

Ang psoriasis ay napakaseryosong sakit pero, alam n’yo ba na may ilang paraan na puwedeng gawin sa inyong tahanan para malunasan ito? Narito ang mga paraan para malunasan ang psoriasis:

1. GUMAMIT NG LANGIS. Ayon sa National Psoriasis Foundation, makatutulong ang fishoil, Vitamin D, aloe vera, oregon grape at night oil primrose para mawala ang sintomas ng mild psoriasis. Ipahid lang ito sa apektadong balat.

2. GUMAMIT NG IBA’T IBANG MOISTURIZER. Huwag n’yong hayaan na matuyo ang balat upang maiwasan ang pangangati nito. Gumamit ng petroleum jelly, moisturizer cream o gel, lotion at mapanatiling moisturized ang balat at hindi mangati.

3. IWASAN ANG MGA PABANGO. Ang mga pabango ay may mga kemikal na nakapagti-trigger ng psoriasis, lalo na ang mga may sensitibong uri. Iwasan din ang mga sabon na mababango dahil malaki ang posibilidad na ma-trigger ang sakit kung hindi hiyang ang mga ginamit na sabon o pabango.

4. IBABAD ANG KATAWAN SA TUBIG. ibabad ang katawan sa maligamgam na tubig na may asin, gatas o olive oil. Ang maligamgam na tubig ay nakatutulog upang matanggal ang pangangati ng balat.

5. HUWAG MAGBILAD SA ARAW. Inirerekomenda ng mga eksperto ang light therapy para sa mga may psoriasis. Ang ultraviolet light ay makatutulong para bumagal ang pagdami ng mga cell na nagti-trigger ng psoriasis. Hindi inirerekomenda ang pagbababad sa araw dahil hindi ito nakatutulong.

6. IWASAN ANG ALAK. Ayon sa Brigham at Women’s Hospital sa Harvard Medical School, ang alak ay nagti-trigger ng psoriasis, partikular sa mga babae. Gayundin, malaki ang posibilidad na magkaroon ng psoriasis ang mga babaeng umiinom ng limang bote ng beer o higit pa nang dalawang beses sa isang linggo.

7. HUWAG MANIGARILYO. Iwasan ito dahil nagpapalala lang ito ng psoriasis. Ayon sa mga eksperto, ang mga taong naninigarilyo ay maaaring ma-stress at ang stress ay nakapagti-trigger din ng psoriasis.

8. KUMAIN NG MASUSUSTASIYANG PAGKAIN. Hangga’t maaari, iwasan ang pagkain ng mga karne dahil nakadaragdag ito sa pamamaga ng balat. Sa halip, kumain ng mga sariwang isda, iba’t ibang klase ng mani at Omega-3 dahil ang mga ito ay nakatutulong para mabawasan ang pamamaga.

Oh, ayan mga ka-Bulgar, alam n’yo na ang mga dapat gawin kung mayroon kayong ganitong sintomas. Gawin lamang ang mga nabanggit upang makasigurado na mawawala ang problema sa inyong balat.

Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page