‘Pinas, may Narco-Generals na, may Jueteng-Generals pa
- Pabs Hernandez III
- Oct 7, 2019
- 2 min read
MGA NEGOSYANTENG RUSO BAKA MATAKOT SA DALAWANG “NARCO-GENERALS’—Habang iniimbitahan ni P-Duterte ang mga negosyanteng Ruso na mag-invest ng negosyo sa Pilipinas, naisingit niya na may dalawang heneral daw sa bansa ang sangkot sa ilegal na droga.
Sablay yata ang pambubulgar ni P-Duterte kasi baka matakot magnegosyo sa Pilipinas ang mga Ruso dahil may dalawang kriminal na heneral ang namamayagpag sa bansa, boom!
◘◘◘
MGA “NARCO-GENERALS” AT “JUETENG-GENERALS”, PANGALANAN NA —Sakaling ibulgar ni P-Duterte ang mga pangalan ng dalawang heneral na sangkot sa ilegal na droga, sana ay ibulgar na rin niya ang pangalan ng mga ex-generals na sangkot naman sa STL con jueteng.
Ang saya-saya niyan kapag nabulgar na ang kanilang mga pangalan kasi malalaman na ng mundo na ‘onli in da Pilipins’ lang na may mga “narco-generals” na, may mga “jueteng-generals” pa, he-he-he!
◘◘◘
OMBUDSMAN, MAKUPAD SA KASO NG MGA “BATA” NI EX-P-NOY—Noong October 2016, sinampahan ng kasong graft ng Anti-Trapo Movement ang mga dating opisyal ng PCSO na appointee ni ex-P-Noy na sangkot daw sa anomalya.
October 2019 na ngayon o tatlong taon na ang kaso, pero wala pang balita kung ano na ang nangyari sa mga kinasuhang sina PCSO officials Margarita Juico, Ferdinand Rojas, Florencio Noel, Betty Nantes, Mabel Mamba, Francisco Joaquin at Conrado Zabella.
Bakit ganyan ang Ombudsman, kapag mga bata ni ex-P-Noy ang kinasuhan, ang kukupad umaksiyon? Pwe!
◘◘◘
SHABU AT JUETENG SA CALOOCAN CITY AT CAVITE—Tila lalaganap ang shabu sa Caloocan City at Cavite dahil ang mga kubrador daw ng jueteng sa mga lugar na ito ay tulak din ng shabu.
Para hindi lumaganap ang shabu, dapat “ipatokhang” na agad ni Caloocan City Director Col. Noel Flores ang nagpapa-jueteng sa Caloocan City na si “Haruta” at “tokhangin” na rin ni PD Col. William Segun si “Areza” na may pa-jueteng sa Cavite, period!





Comments