top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Russian, interesado sa telco business sa ‘Pinas

Mylene Alfonso
Oct 6, 2019
1 min read

Ilang Russian businessmen ang nagpahayag ng interes na maglagak ng kanilang pamumuhunan sa telco.

Ito ang sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na isa sa mga pangunahing naging abala sa isinagawang Philippines-Russia Business Forum.

Sinabi ni Lopez na hindi malayo at posibleng magkaroon pa ng ikaapat na telco sa bansa, gayung open-ended aniya ang exploration o paghahanap ng mga negosyante sa Russia ng anumang pagkakataon o potensiyal para sa kanilang negosyo.

Isa na aniya rito ang mga nasa telco business na ayon kay Lopez ay bukas sa posibilidad para maglagak ng kanilang negosyo sa bansa.

Bukod sa telco, ilang mga Russian investor din ang nagpahayag ng interes na makapaglagak ng kanilang investment sa railways development.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page