top of page

Lemon, epektib na pampaputi ng ngipin, pantanggal ng bad breath at pampatibay ng gums

  • Thea Janica Teh
  • Oct 6, 2019
  • 2 min read

No Problem

Alam nating lahat na ang lemon ay mayaman sa Vitamin C. Pero, bu­kod sa bitaminang ito, marami pa itong kayang gawin hindi lang para sa ating katawan kundi pati na rin sa ating ngipin. Kaya mga ka-Bulgar, narito ang ilang paraan para masolusyunan ang in­yong problema sa mga ngipin o hininga gamit ang lemon:

1. PAMPAPUTI NG NGIPIN. Madali lang itong gawin. Kumuha ng da­lawa hanggang tatlong kut­sarita ng lemon at isang kutsarita ng asin.

Paghaluin ang mga ito na magsisilbing tooth­paste at gumamit ng toothbrush bilang pama­hid sa mga ngipin.

Patagalin ng ilang minuto saka mag­mumog. Ga­win ito nang da­la­wang beses kada araw para makita agad ang resulta.

2. PAN­TANG­GAL NG BAD BREATH. Baga­ma’t ang laway ay kayang puma­tay ng baktirya sa bibig, isa rin ito sa mga dahilan ng pagkakaroon ng bad breath kung hindi nagi­ging ma­ayos ang pagpa­tay ng la­way sa mga bak­tirya. Para mawala ito, kumuha ng 3 tsps. ng le­mon juice at ihalo sa tubig na pangmu­mog at pag­katapos, mag­mumog ng malinis na tubig.

3. PAMPATIBAY NG GUMS. Dahil nagtatag­lay ng Vitamin C at anti-inflammatory agents ang lemon, mabisa itong re­medy sa dumudugong gilagid. Ihalo ang 2 tsps. ng lemon juice sa isang baso ng tubig at pagkata­pos kumain, gamitin itong pangmumog.

4. PANTANGGAL NG SAKIT NG NGI­PIN. Maglagay ng isang kutsarita ng lemon juice sa bulak at direktang ila­gay sa apektadong ngi­pin.

Ibabad ito nang 10 hanggang 15 minuto saka magmumog ng tubig.

Ayan, mga ka-Bulgar, ilan lamang ito sa mga paraan para masolb ang inyong problema sa ngipin. Gayundin, make sure na nagtu-tooth­brush kayo nang, at least, dala­wang be­ses kada araw para maiwasan ang mga proble­mang ito. ‘Ika nga, “smile, it lets your teeth breathe.” Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page