top of page

Lalaking isa lang ang itlog, makakabuntis pa rin

  • Dr. Shane Ludovice, M.D.
  • Oct 6, 2019
  • 1 min read

Dear Doc. Shane, Magandang araw! Meron akong problema na sobrang nakakahiya. Ang sabi ng nanay ko, bata pa lang daw ako ay isa lang ang aking itlog. Ngayon, nag-aalala ako na kapag nagpakasal na kami ng GF ko ay hindi kami magkaanak. Gusto kong malaman kung maaari pa rin bang makabuntis kahit iisa lang ito? — Jojo

Sagot Ang abilidad ng lalaki na makabuntis ay nakadepende hindi sa presensiya ng itlog kundi sa presensiya at kondisyon ng ‘sperm cells’ na nasa tamod o semilya ng lalaki. Kahit isa lang ang testicle o itlog ng lalaki, ito ay sapat upang gumawa ng tamang dami ng ‘sperm cells’.

Subalit, kung hindi makabuntis ang lalaki sa loob ng mahigit sa isang taong pagsasama at pagtatalik, maaaring may iba pang problema, posible ring sa babae ang problema.

Ang maipapayo natin ay magpa-sperm count muna para makasiguradong sapat ang bilang ng sperm cells at normal ang mga anyo nito at kung malulusog. Kung okay naman ang resulta, ipinapayo na ang babae naman ang kailangang magpaeksamin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page