top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg

Korean drug suspect na naging target ng mga ninja cops.. Johnson Lee, tinutugis na — PNP

  • Jeff Tumbado
  • Oct 6, 2019
  • 1 min read

Tinutunton na ng tracker team ng Philippine National Police (PNP) ang Korean drug suspect na John­son Lee.

Si Lee ang sinasa­bing target sa operas­yon ng mga dating tauhan ni PNP Chief Oscar Albayalde sa Lakeshore Subdivision sa Mexico, Pampanga noong 2013.

Gayunman, nadis­kubre sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na napalaya umano si Lee kapalit ng P50 million ng grupo ni Maj. Rodney Baloyo IV na siyang pinuno ng raiding team.

Sa halip na si Lee ay isang Ding Wenkun ang ipinrisinta ng grupo ni Baloyo sa piskalya kung saan kanilang sinabi na ito ang may-ari ng 38-kilo ng ilegal na droga na kanilang nakuha sa raid.

Sa naunang imbesti­gas­yon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay kanilang natukoy na hindi 38 kundi higit sa 200 kilos ng shabu ang nakuha sa raid at hindi rin si Ding ang target ng operasyon kundi si Lee.

Sinabi ni Pampanga Provincial Office Director Jean Fajardo na ginalugad na nila ang lahat ng address ni Lee sa Pampanga at Metro Manila subalit, hindi nila ito matagpuan.

Malaki ang hinala ng opisyal na nasa labas na ng bansa si Lee.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page