Bebot na lider ng mga mandurukot, akyat-bahay at salisi gang. huli
- Mylene Alfonso
- Oct 6, 2019
- 1 min read

Arestado ang babaeng tinaguriang lider ng notoryus na crime gang sa Tondo, Manila.
Kinilala ang suspek na si Roselyn Rodriguez, 25, lider ng Roselyn Rodriguez Crime Group sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Roberto Quiroz ng Manila RTC-Branch 29 noong Marso 21, 2019 sa kasong theft.
Ayon sa MPD-PS 2, ban ang suspek sa lahat ng mall sa NCR at Region 3 dahil sa bihasa umano ito sa pandurukot, salisi at akyat-bahay. Kasama umano sa grupo ni Roselyn ang ilang babaeng miyembro nito na kapwa naaresto na rin sa iba pang mga kaso.
Alas-5:15 ng hapon nang arestuhin si Rodriguez sa naturang lugar nina PCpt. Nestor Gozon Mercado, PSSg. Jade Borromeo, PCpl. Julius Fajardo, PCpl. Daniel Jonson at Pat. Darius Astoveza.
Nabatid na si Rodriguez ay may piyansang P10,000 para sa kasong theft at nalaman na gumagamit din ito ng shabu.





Comments