top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

BADAC official, tiklo sa kotong

Mylene Alfonso
Oct 6, 2019
1 min read

Timbog ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang opisyal ng Barangay Anti-Drugs Abuse Council (BADAC) ng Valenzuela City.

Sinampahan ng NBI-Special Task Force ng kasong direct bribery ang suspek na si Saturnino Santiago, coordinator ng Valenzuela BADAC.

Nabatid na si Santiago ang nangangasiwa sa rehabilitation process at may awtoridad na magdeklarang nakasunod na sa Community Wellness Program ang nasa barangay watchlist na mga sumuko sa tokhang at sumailalim sa rehabilitation.

Nabatid na noong Nobyembre 2016 nang sumuko sa Operation Tokhang ng Valenzuela PNP ang complainant na hindi na pinangalanan at nai-turnover sa BADAC pero, nabigong makatapos ng programa sa rehab dahil inuna niya umano ang pagtatrabaho hanggang sa nailipat siya ng schedule at ilang beses na nabigong makatapos hanggang sa kasalukuyang taon.

Noong nakalipas na Setyembre 17, tinawagan ang complainant ng suspek na nagsabing hindi ulit siya makaka-graduate sa rehab program dahil sa absences.

Pinuntahan pa ng suspek ang complainant at sinabihang hindi na siya mapoprotektahan kung pupuntiryahin siya sa police operation kaya mas mabuting makipag-usap umano sa mga operatiba upang matanggal siya sa watchlist at magbigay ng P18,000 hanggang Setyembre 28.

Lingid sa kaalaman ng suspek na dumiretso sa NBI ang complainant sa payo ng Valenzuela Anti-Drug Abuse Council kaya ikinasa ang entrapment operation.

Inaresto ang suspek sa aktong tinatanggap ang brown envelope na naglalaman ng nasabing halaga mula sa complainant sa pinagkasunduan nilang lugar sa E. Miranda St., Paso de Blas, Valenzuela City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page