7 dating MILF, utas sa ISIS

Pinatumba umano ng mga teroristang kaanib ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang pitong dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Maguindanao.
Ayon kay Lieutenant Colonel Ernesto Gener, sinalakay ng mga hinihinalang miyembro ng Dawlah Islamiyah ang kampo ng MILF malapit sa bayan ng Shariff Saydona.
Tumagal ng ilang oras ang labanan mula noong Biyernes hanggang sa naiwang patay ang pitong dating rebelde.
Ilang mga residente sa lugar ang nakakitang isinakay sa bangka sa ilog ng Shariff Saydona ang mga namatay na rebelde.
Nasa proseso na ng decommissioning o pagbababa ng mga armas ang MILF bilang bahagi ng kasunduan noong 2014.
Tumanggi si MILF Spokesman Von al-Haq na magkomento sa insidente. Naging malaki ang bahagi ng MILF sa giyera ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police upang mapulbos ang mga teroristang kaanib ng Maute-ISIS sa Marawi City.





Comments