Together again ngayon, Marian… Jennylyn, umaming may 'nakaraan' sila ni Dingdong
- Nitz Miralles
- Oct 5, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Nagsimula na palang mag-taping si Jennylyn Mercado sa Descendants of the Sun at sa napanood naming BTS (behind the scenes), kaeksena na niya si Dingdong Dantes.
Naka-military uniform si Dingdong at naka-doctor uniform si Jennylyn na gaganap sa role ni Ms. Maxine Dela Cruz.
Para sa kanyang role, dumaan sa medical training si Jennylyn sa Armed Forces of the Philippines Health Service Command (AFPHSC) dahil ang role niya ay isang skilled cardiothoracic surgeon. Kaya pala missing in action siya sa socmed dahil sa medical training at kaya nagpalagay ng bangs dahil may bangs ang karakter ng leading lady ng Korean hit drama.
Nakakatuwa dahil marami na ang tumawag ng Dr. Kang kay Jennylyn na name ng Korean actress na bida sa DOTS. Later on, “Dr. Maxine” na ang itatawag kay Jennylyn.
Nabanggit ni Jennylyn na second time na nila ni Dingdong na magtambal sa teleserye, pero matagal na raw ang unang pinagsamahan nila at hindi nga nito nabanggit ang title. Huli silang nagkasama sa StarStruck 7 bilang male and female hosts ng artista search ng GMA-7.





Comments