SEAG equipment, tiyaking on time and delivery

Sinisikap ng Philippine Sports Commission (PSC) na matiyak na lahat ng sports equipment na kakailangan para sa pag-host ng bansa sa 30th Southeast Asian Games ay maidedeliber nang saktong oras.
Ayon kay PSC chairman William “Butch” Ramirez kahapon na kumukunsultang mabuti ang task force na binubuo ng mga kinatawan ng Philippine Olympic Committee (POC), Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) at PSC sa iba’t ibang National Sports Associations (NSAs) upang mapabilis ang proseso ng procurement. Nakipagpulong pa ang committee sa NSA officials sa billiards, ice skating, dancesport, shooting at windsurfing noong Miyerkules pang mapag-usapan ang mga kagamitan na kailangan sa sports, kabilang na ang suppliers, specification at kung tumutugma ba sa standards ng international federations.
May 11 na sa 57 na mga tumugon na NSA’s ang napadalhan na ng equipments. Ang iba pa ay nasa proseso ng pagkonsulta dalawang buwan bago ang pagbubukas ng Games Tinitiyak ni Ramirez na lahat ay maidedeliber nang on time. “We’re looking at having everything delivered in our warehouse by November 15.”





Comments