top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sayyaf, tiklo sa Kyusi

V. Reyes
Oct 5, 2019
1 min read

Timbog ang hinihinalang isa sa mga lider ng Abu Sayyaf Group (ASG) kasunod ng operasyon ng pulisya at militar sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District Chief Police Col. Ronnie Montejo, dinakip si Ibrahim Lambog Mullo, 26, sa Bgy. Batasan Hills noong Setyembre 27, ng alas-7:00 ng gabi.

Hindi agad naiprisinta si Mullo dahil sa follow-up operation sa mga posibleng kasabwat nito.

Nasamsam mula sa suspek ang kalibre .45 pistola at sling bag na may fragmentation grenade.

Isa umano si Mullo sa tatlong terorista na mino-monitor ng mga awtoridad sa Metro Manila.

Nauna nang naaresto ang dalawang suspek noong Hulyo.

Itinanggi naman ni Mullo na siya ay sub-leader ng ASG at inaangkin nitong nasa Metro Manila siya upang mamuhay nang normal at malayo sa mga bandido. Lumipat lang umano siya sa Quezon City matapos manganak ang kanyang misis.

Nagtatrabaho rin umano siya sa isang housing project para sa Army Scout Rangers sa Kamias at Calumpang, Bulacan.

Ayon sa QCPD, si Mullo ay ni-recruit ng ASG sub-group (Ajang-Ajang Group) sa pamamagitan ng social media nang isang alyas Padiang noong 2017 habang nasa Zamboanga City ito. Kabilang din umano sa mga bandido na sumasabak sa Patikul, Sulu si Mullo.

Nahaharap na ang suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions at RA 9516 o Unlawful and Illegal Possession of Explosive.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page