Pork Barrel, hindi pondo, modus-operandi
Tiyak na may “bomba” na ihahayag si P-Digong sa pagbabalik niya mula sa Russia.
Abangan at mag-ingat!
◘◘◘
HINDI mapigilan ang African Swine Flu (ASF).
Ginamit na ang “ASF” sa pamomolitika sa Bulacan!
◘◘◘
TODO na ang relasyon ng Russia at Pilipinas.
Isang malaking ambag ni P-Digong sa kasaysayan ng bansa!
◘◘◘
NAGSESELOS ang Kano sa relasyon ng Pilipinas sa Russia at China.
Dahil d’yan, nadagdagan ang mga U.S. senators na nagnanais palayain si Sen. Leila de Lima.
Gulo na naman ‘yan!
◘◘◘
NAGSAMA ng komedyante si P-Digong sa Moscow.
Mas okay ‘yan kaysa “bold stars” ang isinama!
◘◘◘
NAGBALIK ang polio virus.
Tiyak na mapipilay ang ekonomiya!
◘◘◘
NAKAIMBENTO raw ang China ng laser gun.
Huh, laos na ‘yan!
◘◘◘
PINAG-AAWAYAN ang “pork barrel”, pero walang nangangahas maglabas ng official definition nito.
Kapag ang isang bagay o termino ay walang kongkretong depinisyon, hindi ito dapat pinagdedebatehan!
◘◘◘
ANG pork barrel ay hindi isang klase ng pondo.
Ito ay “modus-operandi”.
Ang modus-operandi ay matutuklasan lamang matapos ang “krimen” o matapos ang aktuwal na pagnanakaw sa pondo ng bayan!
◘◘◘
TANONG: May pork barrel ba sa 2020 National Budget?
Sagot: ‘Yan ay kumporme sa “disenyo” ng modus-operandi na lihim na imamaniobra sa implementasyon ng badyet!





Comments