Motor sumalpok sa police mobile, rider dedo
- Jeff Tumbado
- Oct 5, 2019
- 1 min read

Patay ang rider habang nasa malubhang kalagayan ang kanyang angkas makaraan silang sumalpok sa police mobile patrol sa Mandaue City, Cebu, kahapon.
Dead-on-the-spot si Cathleen Chavez, 29, habang ginagamot sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang 22-anyos na si Ruecel Carcuevas, kapwa naninirahan sa Bgy. Sambag Dos.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni Police Master Sergeant Rolando Gelido, pasado ala-1:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente.
Mabilis umano ang takbo ng motorsiklo patungong timog nang matumbok nito ang kasalubong na police patrol car ng MCPO 4 na minamaneho ni Patrolman Renato Paso habang kasama si Police Lieutenant Emma Archie.
Tumilapon ang magkaangkas sa motor na naging dahilan ng pagkasawi ng driver na si Chavez.
Handa naman umanong magbigay ng tulong-pinansiyal ang dalawang pulis.





Comments