top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lalaki naaabuso raw, babae makakasuhan.. ATM ni mister, bawal solohin ni misis

  • Jeff Tumbado
  • Oct 5, 2019
  • 2 min read

Maaaring makasuhan na rin ang mga misis na karaniwang nagkukumpiska ng suweldo ng kanilang mister dahil maituturing umano itong economic abuse.

Ito ay kung maisasabatas ang House Bill 4888 on Anti-Violence Against Partner and their Children Act o ang panukalang nag-aamiyenda sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, para palawigin ang sakop nito.

Ang pagbabawal na magkumpiska ng ATM ng mga mister ay kabilang umano sa mga probisyon ng panukala ni Rizal Rep. Fidel Nograles.

“Economic abuse happens kapag financially dependent na lang ang isa sa kanyang partner. ‘Yung nawawala na ang kanyang karapatang tugunan ang kanilang mga sariling pangangailangan. Maaari itong maging isang uri ng economic abuse na puwede nating tugunan sa ilalim ng ating batas,” ani Nograles.

“‘Yung pagkuha ng ATM card kung nasaan ang suweldo, hindi na nabibigyan ng pagkakataon ang mister na mag-decide sa gastusin,” dagdag pa ng kongresista.

Gayunman, nililinaw ng kongresista na ang kanyang panukala ay hindi nangangahulugan na mailalagay sa alanganin ang kababaihan, bagkus, nagsusulong ito ng pagkakapantay-pantay ng lahat ng gender orientation.

“Sa batas po natin, kapag ‘yung babae ang hindi binibigyan ng pera ng kanyang husband, ‘yun ‘yung economic abuse. Pero ngayon, meron kasing mga bagong set-up sa pagitan ng husband and wife,” paliwanag ng kongresista.

“Uso na ngayon ‘yung houseband or ‘yung mister na nasa bahay at ‘yung wife o ‘yung misis ang naghahanapbuhay kaya puwedeng ma-reverse ‘yung situation na ‘yung husband naman ‘yung umaasa doon sa kanyang misis sa sustento,” ayon pa kay Nograles.

Sa ilalim ng panukala, ang terminong ‘partner’ ay hindi lang nangangahulugan na lalaki at babae kundi kasama na rin ang lesbian, gay, bisexual, queer, intersex, cisgender at transgender.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page