top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kontra-teenage pregnancy.. Hiwalay na classroom sa lalaki at babae

  • V. Reyes
  • Oct 5, 2019
  • 1 min read

Nais ng National Youth Commission (NYC) na magkaroon ng hiwalay na classrooms o sections ang mga babae at lalaki mula Grade 7 hanggang 12.

Idinadahilan ni NYC Chairperson Ryan Enriquez ang paglobo ng mga insidente ng maagang pagbubuntis at mga kaso ng tinamaan ng HIV ng mga may edad 15 hanggang 30.

“Maraming mga grade school pa lang, mag-girlfriend at boyfriend na dahil magkaklase sila. At kung meron silang activity na magsasama sila sa isang bahay, doon nangyayari, puwedeng maging teenage mother agad-agad,” ani Enriquez.

“‘Pag project hindi sila magkasama, kung may pinapagawa ang teacher nila, ‘di nila kailangan mag-overnight para matapos ang project,” dagdag pa nito.

Naniniwala pa si Enriquez na sa ganitong paraan ay mas maituturo nang maayos ang sex education at ang HIV awareness.

Sinabi pa ng opisyal na kung tamaan man ng curiosity ang mga mag-aaral ay mas maiiwasan ang tukso kung wala ang opposite sex.

Batay sa tala ng Comission on Population noong Hulyo, may 196,000 Filipinos na edad 15 hanggang 19 ang nabubuntis kada taon.

Dumoble naman ang mga nagkaroon ng HIV na may edad na 15 hanggang 24 mula 17 porsiyento noong 2000 ay naging 29 porsiyento noong 2009.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page