top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ginugulo ng ex na may asawa na kaya napagkakamalang kabit

Roma Amor
Oct 5, 2019
1 min read

Dear Roma, Ako si Jana, 23 years old. May ex ako na ikinasal na pero, nanggugulo pa rin siya sa akin kahit ilang taon na akong nananahimik. Ang masaklap pa ay napagkakamalan akong kabit ng asawa niya kahit minsan ay hindi ko siya ini-entertain dahil sinasabi niya na ako raw ang lumalapit sa kanya. Sa totoo lang, wala na akong pakialam sa kanya at naka-block na siya sa lahat ng social media accounts at phone number ko pero, ginagamit niya ang mutual friend namin para magpadala ng messages. Roma, ano ang dapat kong gawin? —Jana

Jana, Naku, napakahirap ng sitwasyon mo, iha. Mahirap mapagbintangan, lalo na kung wala itong katotohanan kaya ang maipapayo namin sa iyo ay kausapin mo ang misis ng ex mo at ipaliwanag na hindi ikaw ang lumalapit sa asawa niya. Hindi ito madali pero, ito ang tamang gawin dahil kung patuloy kang ididiin ng ex mo sa bagay na hindi mo ginawa, lalo ka lang mapapasama. Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page