Empleyado ng city hall, huli sa kotong

Inaresto ng mga operatiba ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang isang empleyado ng Manila City Register of Deeds dahil sa pangongotong sa isang pribadong lot owner, kamakalawa sa Sta. Ana, Manila.
Ayon kay PMaj. Rozalino Ibay, Jr., ang suspek na si Richard Feliciano, 44, clerk sa releasing section ng Registry of Deeds Office na nasa Sta. Ana, Manila.
Sa reklamo kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, sinisingil umano ni Feliciano ng P120,000 ang pribadong lot owner para palitan ang pangalan na nakalagay sa kanyang hawak na titulo. Agad namang nagkasa ng entrapment operation ang SMaRT laban kay Feliciano sa mismong tanggapan ng Registry of Deeds na nagresulta sa pagkakaaresto kay Feliciano.
Sinampahan ng SMaRT ng kasong robbery extortion ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office (MPO).





Comments