'Di naman daw itinatago ng GF mo, James… Nadine, pinagpipistahang buntis
- Beth Gelena
- Oct 5, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Grabe ang reaksiyon ng mga netizens sa picture na ipinost ni Nadine Lustre sa kanyang social media account kung saan bloated ang aktres. May nagsasabi pang buntis si Nadine.
Ani @ma.chonarovy, “Preggy? Or just bloated? Just wondering… but still, she’s beautiful as usual.”
Sambit naman ng mga fans ni Nadine, kung totoong buntis ang kanilang idol, super happy sila dahil very proud daw si Nadine na ipakita ang kanyang figure.
“Hindi niya itinatago, but I think busog lang siya riyan.”
May nagsasabi namang wala lang daw boobs si Nadine kaya mukhang bloated.
Kung anuman ang totoo sa pigura ngayon ni Nadine, tanging siya lang ang nakakaalam.
Nagkataon lang sigurong hindi tama ang anggulo ng pagkuha sa kanya ng picture.
Katunayan, hindi lang ang figure niya ang sinasabing ‘bloated’ kundi maging ang lips nito.





Comments