Blue Eagles at Tigers, tagisan na sa 2nd round
- VA
- Oct 5, 2019
- 1 min read

Kasunod ng kanilang matagumpay na 7-0 sweep noong unang round, uumpisahan ng defending champion Ateneo de Manila ang kanilang second round campaign sa muling tapatan nila ng University of Santo Tomas ngayong hapon sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament.
Nakatakdang magtunggali ang Blue Eagles at ang Tigers sa tampok na laro ngayong 4 p.m. kasunod ng salpukan ng UE Red Warriors at Adamson Soaring Falcons sa unang laro ng second round ng 2 p.m. sa MOA Arena sa Pasay.
Sa muli nilang pagtutuos, magtatangka ang Blue Eagles na makapagtala ng mas kumbinsidong panalo kumpara sa 71-70 nilang panalo noong Setyembre 11 kontra Tigers.
Tiyak na hindi ito basta na lamang papahintulutan ng UST na nais namang palakasin ang tsansa sa top 2. Dahil dito, inaasahan na ang mas maigting na bakbakan ng dalawang koponan partikular ang kanilang mga foreign slotmen na siya ring malapit na magkatunggali sa Season MVP race na sina Angelo Kouame at ang namumunong si Soulmane Chabi Yo.





Comments