top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

1st Leg Juvenile Fillies and Colts stakes race

  • Ding Taboy
  • Oct 5, 2019
  • 2 min read

RENDA at LATIGO

Maganda ang line-up ng 2019 Philracom 1st Leg Juvenile Fillies and Colts Stakes Race na haha­taw sa Linggo sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Paglalabanan ng 7 kabayo na kinabibilangan ng 5 lalaki at 2 babae na kalahok sa unang yugto ng juvenile stakes race na may pa­premyo P1,040.000 at trophy. Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng Prime Time Magic, Lucky Saving, Union Bell, Exponential, Batang Evalom, Make Some Noise, Bulwagan.

Ang magiging kampeon ay tatanggap ng P600,000, habang ang 2nd place ay magkakaroon ng P225,000, habang ang 3rd place ay may P125,000 at tatanggap ng P50,000 ang 4th place at may naka­la­ang P40,000, na premyo sa breeder ng mananalong kabayo.

Sa kabi­lang dako, ha­hataw nga­yon ang anim na Condition Race at 2 Year Old Maiden Race na pag­la­labanan ng magagaling na mananak­bo sa Santa Ana Park, Naic, Cavite. Magaganap din ang Win­ner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 na ka­papalooban ng Trifecta, Quartet, Pen­ta­fecta at Su­per Six.

Sa Race 1, sa pagha­taw ng condition Race 22 at ka­sabay ng pa­nimula ng WTA, pinapa­boran ang Silver Wedding habang maka­kalaban ang Apo Island at Richard.

Nakalalamang ang Noun­pareil habang maka­kalaban ang Tidal Wave, isama sa mga paratingan sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six ang December Eighteen, Inter State, All for Mama at Ace-up sa Race 2 kasabay ng Pick 6.

Magaganap ang Pick 5 sa Race 3, paglalabanan ng Watch Out Amcoming at All Heart at nakalalamang ang couple entry na Magic Blast at Stella Malone sa couple entry na Spunk Attack at Rhaegal sa Race 4 kasabay ng Pick 4.

Sa Race 5, nakalalamang ang Rivine Master sa Bucas­grande Island sa Race 5 at ipi­napatok ang couple entry na Empiradour at Dedica­tion habang makakalaban ang Batang Madrid sa Race 6.

Sa Race 7, magandang isama sa paratingan ang Ava’s Dream at ang couple entry na Keep Trending at Rain­bow Peak sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4.

Tips ni Mang Ding: Race 1- Silver Wedding (3) Apo Island (4) Race 2- Noun­pareil (9) Tidal Wave (3) Race 3- Watch out amcomng (9) All Heart (3) Race 4- Entry no.7 entry no. 1 Race 5-Ri­vine master (1) Buscas­gran­de island (6) Race 6-batang madrid (4) entry no.7 Race 7- Ava’s dream (2) entry no.4 WTA (1-7) 3-4/9-3/9-3/1-7/1-6/4-7/2-4/ Pick 6 (2-7) 9-3/9-3/1-7/1-6/4-7/2-4/ Pick 5 (3-7) 9-3/1-7/1-6/4-7/2-4 Pick 4 (4-7) 1-7/1-6/4-7/2-4

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page