top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Marinero, lusot sa D-League game 1 Final

  • VA
  • Oct 4, 2019
  • 2 min read

Nakalusot ang Marinerong Pilipino sa huling hirit ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare upang makamit ang 69-59 panalo kahapon sa Game 1 ng 2019 PBA D-League Foundation Cup Finals sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Pinamunuan ni Rev Diputado bilang nag-iisang player na tumapos na may double figures ang panalo sa ipinoste niyang 12 puntos.Ngunit sa kabila ng paglapit sa asam na titulo, hindi pa rin kuntento si coach Yong Garcia sa ipinakita ng Marinero matapos na ‘di nila naalagaan ang 19 puntos na lamang nila sa halftime , 43-24. “Yun ang naging problema namin before at lumabas ulit,” ani Garcia. “Dapat pagdating ng Game 2, hindi kami dapat parang roller coaster. Dapat mag-stick kami sa gameplan namin.”

Mula sa mainit na panimula, biglang lumamig ang Skippers sa third canto kung saan umiskor lamang sila ng 7 puntos kaya’t naibaba ng Saints ang lamang nila sa 64-57, may 2:52 pang oras na nalalabi sa laro.Mabuti na lamang at nadepensahang mabuti ni Eloy Poligrates si Muhammad Pare upang mapigil ang rally ng Saints.

Pinangunahan naman ni Jhaps Bautista ang BRT Sumisip-St. Clare sa itinala nitong 17 puntos kasunod si Pare na may 14 puntos at 12 rebounds. Samantala, may 16 na koponan mula sa iba’t-ibang lugar sa Negros Occidental ang maglalaban-laban sa idaraos na Premier Volleyball League Youth Festival sa Linggo-Oktubre-6 sa St. John Institute sa Bacolod City. Ang kauna-unahang girls under-12 tournament ay may kaugnayan sa darating na PVL Open Conference doubleheader na gaganapin sa City of Smiles sa Okt.13 sa USLS Coliseum.

Kabilang sa mga koponang kalahok ay ang Pulupandan, San Carlos, Bago City, Silay, mga Bacolod-based schools na University of St. La Salle, Tay Tung, SJI at Bago. “This is in the effort of growing the local talent for volleyball and create an avenue for more opportunities for the young through playing sports,” ayon sa organizer na si Bea Tan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page