Kapuso actor, mabentang-mabenta… Jeric, umaming gustong matikman ng mga baklang pulitiko at big time
- Erlinda Rapadas
- Oct 4, 2019
- 1 min read

Wala naman sigurong iringan at friendly competition lang ngayon ang nangyayari sa pagitan ng dalawang Kapuso actors na sina Ruru Madrid at Jeric Gonzales. Pareho kasi silang in demand sa mga shows at product endorsements kaya kani-kanyang hamunan ang mga fans ng dalawa.
Ang pagwawagi noon sa talent search na Protégé ang naging daan ni Jeric upang makapasok nang tuluyan sa showbiz. Ipinagkatiwala sa kanya ang ilang serye. Kinakitaan naman siya ng galing sa pag-arte kaya hindi siya nababakante sa trabaho.
Walang project na tinatanggihan si Jeric Gonzales at mahusay din siyang makisama sa kanyang mga co-stars, maging sa production staff. Hindi siya nagiging cause of delay sa teyping.
Sa bagong serye ni Jeric, ang Magkaagaw, malaking challenge sa kanya ang makapareha si Sheryl Cruz kung saan may mga daring scenes siyang gagawin.
May mga indecent proposals din ngayon kay Jeric mula sa ilang big time businessman at pulitiko, pero hindi ito pinatos ng Kapuso actor dahil kaya naman niyang kitain sa marangal na paraan ang anumang iaalok sa kanya ng mga gays.





Comments