Isa pang pinoy na namatay sa gumuhong tulay sa taiwan, natagpuan na
- Gina Pleñago
- Oct 4, 2019
- 1 min read

Kinumpirma ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na natagpuan na ang bangkay ng natitirang Pilipinong mangingisda na nawala matapos gumuho ang isang tulay sa Taiwan.
Kinilala ito na si Romulo Escalicas, Jr.
Nauna nang natagpuan ang bangkay ng dalawang Pinoy fishermen na sina Joerge Impang at Andree Abregana Serencio.
Una nang nailigtas ang limang Pilipinong mangingisda mula sa 10 na nagtamo ng injuries sa insidente.
Sasagutin naman ng Department of Foreign Affairs at MECO ang lahat na gastusin para sa agarang pagpapauwi ng mga labi ng tatlong Pinoy.
Magbibigay din ng tulong-pinansiyal ang pamahalaan ng Taiwan sa pamilyang namatayan dulot ng trahedya.





Comments