top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Imbes sibakin.. Nabulgar, mga ninja cops inililipat lang ng assignment

Mylene Alfonso
Oct 4, 2019
1 min read

Binalaan ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na huwag pagtakpan ang kalokohan ng kanilang mga tauhan.

Ito ang pahayag ni Go bago tumulak patungong Russia kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ng mambabatas ang babala sa kasagsagan ng Senate inquiry sa ninja cops na sentro sa naturang imbestigasyon si PNP Chief Oscar Albayalde.

Huwag na umanong ilipat ng assignment sa halip ay tanggalin sa hanay ng PNP ang mga police scalawags, lalo na ang mga sabit sa extortion at ilegal na droga.

Sa Senate inquiry ay lumalabas na hindi nasibak kundi nalipat lang ng assignment ang mga ninja cops noong PNP director pa ng Pampanga si Albayalde.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page