5 Chinese na kidnapper, kulong
- Gina Pleñago
- Oct 4, 2019
- 1 min read

Huli ang limang Chinese na sinasabing nagtangkang dumukot sa dalawa nilang kababayan sa Taguig City, Miyerkules ng hapon.
Nasa kustodiya ngayon ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa Camp Crame, Quezon City ang limang Chinese suspects na ayaw magbigay ng kanilang pagkakakilanlan matapos umanong tangkaing kidnapin ang mga biktima na sina Shang Jia at Wang Zhe, nasa hustong gulang, kapwa Chinese nationals.
Ayon sa ulat ng Southern Police District (SPD), nangyari ang sinasabing pangingidnap sa mga biktima sa Invech Treasure Corp. Le Grand Avenue, Mckinley West, Fort Bonifacio sa Taguig City, alas-5:44 ng hapon.
Batay sa ulat, hinuli ng mga tauhan ng AKG sa pangunguna Maj. Ervin Chan at ng Police Community Precinct-7 ng Taguig City Police sa ilalim ni Maj. Joseph Austria, ang limang Chinese at na-rescue naman ng dalawang Chinese victims.
Patuloy na ang imbestigasyon sa naturang insidente.





Comments