Cesar Montano, Phillip Salvador iba pa.. Mga artista, bitbit ni P-Digong sa Russia
- Mylene Alfonso
- Oct 4, 2019
- 1 min read

Idinepensa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pagbitbit sa ilang artista at mambabatas sa official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia.
Sinabi ni Panelo na tanging Office of the Presidential Protocol ang makasasagot kung bahagi ng official delegation ang ilang mga kongresista sa Russia trip ni Pangulong Duterte, gayundin sa kung sila ba ang sumagot sa kanilang pamasahe at accommodation sa Moscow.
Pero, sa hanay ng mga artistang nasa Russia, inihayag ni Panelo na noon pa man ay bahagi na sila ng Filipino community event ni Pangulong Duterte at nagbibigay ng entertainment sa mga Pinoy.
Ayon kay Panelo, hindi na ito bago dahil kahit noong panahon ng kampanya ay ginagawa na ng mga artistang tagasuporta ni Pangulong Duterte ang ganitong pagpapasaya sa mga audience ng Pangulo.
Dagdag pa ng Kalihim na walang bayad ang mga nasa showbiz na sumama sa biyaheng ito ni Pangulong Duterte.
Ilan sa mga artistang nakita sa Russia ay sina Moymoy Palaboy, Cesar Montano at Phillip Salvador habang sa hanay ng mga kongresistang namataan ay sina Lourd Allan Velasco, Martin Romualdez at L-Ray Villafuerte.





Comments