top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Buking na nagsinungaling sa Senate hearing.. Team leader ng ‘ninja cops’ , kulong

  • Lourdes Abenales
  • Oct 4, 2019
  • 1 min read

Sa New Bilibid Prison (NBP) na idiniretso ang dating team leader ng kontrobersiyal na buy-bust operation sa bahay ng isang Chinese drug personality sa Pampanga.

Ayon kay Senate Committee on Justice Chairman Sen. Richard Gordon, ikukulong si P/Maj. Rodney Baloyo sa Bilibid sa Muntinlupa City.

“We now move to detain Major Baloyo at New Bilibid Prison instead of Pasay City Jail,” ani Gordon.

Bumigat umano ang isyu ng pagsisinungaling ni Baloyo dahil sa nagbabanggaang impormasyon nito tungkol sa raid sa bahay ng Chinese na si Johnson Lee.

Nakadagdag pa rito ang pahayag ni retired P/C/Supt. Manuel Gaerlan na dating deputy regional director na nakasasakop sa tropa ng nasabing pulis.

Iginiit ni Gaerlan na pawang kasinungalingan ang mga naging pahayag ni Baloyo at wala itong naipakitang supporting document sa kanilang isinagawang imbestigasyon.

Samantala, na-cite in contempt din sina BuCor personnel Sr. Insp. Maribel Bansil at Corrections Officer 3 Veronica Buño dahil sa pagsisinungaling sa mga nakaraang hearing.

Gayunman, bilang konsiderasyon, binigyan ni Gordon ang dalawa ng “humanitarian contempt”.

Ibig sabihin, hindi sila ikukulong sa Bilibid dahil baka umano manganib ang kanilang buhay.

Makukulong na lamang ang dalawa sa gusali ng Senado, hanggang sa tuluyang bawiin ng mga senador ang utos na pagpiit sa kanila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page